Anong meron sa book na ito?
Ang simpleng librong ito ay naglalaman ng mga tulang naisulat ko habang ako'y nasa kolehiyo pa. Uunahan na kita na hindi porket ako ang gumawa at nagsulat ay nangangahulugan na naranasan o naging parte ito ng buhay ko. Ang ilan sa mga iyun ay base sa nakita't naobserbahan ko sa sitwasyon ng mga kakilala o maski ng mga taong di ko kilala at hindi ako kilala.
Alam ko makakarelate ka sa ilan sa mga tula ko dahil ang tao ang may pinakamalalang emosyon sa mundo. Sa madaling salita, madali tayong pangunahan ng ating emosyon.
Sa tinagal-tagal ko ng nabuhay sa mundong ito, napagtanto ko na pagdating sa pag-ibig, bakit para bang gustong-gusto nating namnamin ang sakit at pait. Aminin man natin o hindi pero parang ang sarap ding masaktan kasi nakakapag-emote tayo.
Pinapaalalahanan kita na normal lang ang masaktan dahil lilipas din yan at di maglalaon mapapalitan yan ng ngiti at saya.
Ngiti at tawa lang ang ipanlaban mo. Darating din si Mr. o Ms. Right mo in God's right time. ^_^